Pinas handa sa La Niña

BILANG pagtalima sa kautusan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na mabigyan ng sapat na pagkain ang taumbayan laluna sa panahon ng kalamidad, inihayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na walang dapat ipangamba ang publiko dahil sapat ang suplay ng pagkain sa bansa kahit na sa panahon ng La Nina phenomenon.

Sa isang panayam, sinabi ni Alcala na sa katunayan ay maaaring hindi na mag-angkat pa ng bigas ang Pilipinas dahil umani  na ang mga local farmers bukod pa ito sa imbak na palay sa mga warehouses ng National Food Authority (NFA) para suplayan ng bigas ang buong bansa sa mga darating na buwan.

Kaugnay nito, sinabi ni Alcala na kahit na mainit ang panahon sa Luzon, naging maganda naman ang klima sa Visayas at Mindanao dahilan para madagdagan ang suplay ng pagkain. Bukod sa bigas ay dumami rin ang produksiyon ng gulay, livestock, prutas at iba pa kayat walang dahilan para kulangin nito ang bansa.

Dahil dito, walang nakaambang pagtaas ng presyo ng pagkain sa bansa.

Kung may kalamidad aniya tulad ng La Nina phenomenon, may mga nakahandang  mitigating measures ang Department of Agriculture (DA) sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“May flood control projects ang DPWH kaya nag-a-identify ngayon ang National Irrigation Authority ng lugar na pag-iimbakan  ng tubig mula sa DPWH para magamit din ang naipong tubig sa mga pataniman oras na walang gaanong ulan sa isang lugar. Kung maulan naman ay may close coordination pa rin kami para tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan” pahayag pa ni Alcala.

Bukod dito, patuloy din aniya ang pamamahagi ng DA ng submarine seeds o mga binhi na maaaring gamitin ng mga magsasaka sa pagpapadami ng ani para naman mapaayos ang kabuhayan ng milyon milyong magsasaka sa bansa. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply