Pinas nilindol ng 4 na beses

APAT na lindol ang yumanig sa iba’t ibang parte ng bansa kagabi, Mayo 27.

Batay sa Phivolcs, may kalakasan ang isa rito na naitala sa 5.0 magnitude kung saan natukoy sa layong 119 kilometro sa timog silangan ng Mati, Davao Oriental bandang 10:19 kagabi.

Naitala naman ang kasunod nito na may magnitude 3.5 sa layong 66 kilometro sa Timog Silangan ng Palanan, Isabela dakong 1:31 kaninang madaling araw.

Pumangatlong naitala ang may 2.5 magnitude na lindol sa hilagang kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro dakong 3:29 habang naitala ang pinakahuli na may magnitude 3.3 sa layong 112 kilometro sa timog kanluran ng Isulan, Sultan Kudarat.

Nabatid na pawang tectonic ang pinagmulan ng mga naturang pagyanig at wala namang napaulat na nasugatan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply