Pinas sa WTBC sibak sa China

TINAPOS ni Fu Jianbo ng China ang kampanya ng Pilipinas matapos patalsikin kahapon ang natitirang Filipino cue Artist na si Carlo Biado sa semifinal match ng 2011 World Ten Ball Championships na ginaganap sa World Trade Center, Pasay City.

Tinumbok ni Fu ang racks 1 at 2 matapos isablay ni Biado ang ball 10 sa first frame dahilan na rin upang magkaroon ng kompiyansa ang una.

“Lumakas loob niya, (Fu) ng makita niyang sumasablay ako lalo na sa diyes (Ball 10).” wika ng 27 anyos na si Biado.

Nakuha ng dating golf caddie na si Biado ang unang panalo sa rack 3 matapos sumablay ni Fu sa asul na bola subalit puro mahihirap na tira ang ipinasok ng una.

Maitatabla ng Bugsy’s promotion stable bet, Biado ang iskor sa 2-2 ngunit umalog ball no.7 sa corner pocket kaya naman inubos na ni Fu ang natitirang bola.
Tumuloy-tuloy ang panalo ni Fu hanggang 9th racks, (8-1) dahilan para maghabol si Biado.

Sa 10th frame na scratch ang sargo ni Fu kung kaya’t muling nakatumbok ang Pinoy cue artist.

Sumargo si Biado ng apat na panalo para tapyasan ang lamang ng kalaban subalit nagkamali ito ng preparsyon sa ball no. 6 kaya nagmintis ito sa kanyang tira sa rack 14.

Nagmintis din si Fu sa nasabing rack subalit walang magandang anggulo ang ball 6 kaya hindi rin natapos ni Biado ang laban.
“May pag-asa sana akong makahabol kung nagkaroon lang ako ng tira pagkatapos sumablay ni Fu kaya gumanda na ang sargo ko at tira.” saad ni Biado na nakuha ng $15,000 matapos ang kanyang semifinal finisher.

Bago pumasok si Biado sa last 4 ay tinalo niya muna sina double world champion, (8-Ball at 9-Ball) Ronnie Alcano, (9-1) sa last 16 at reigning World 8-Ball championship king Dennis Orcullo, 9-4) sa round-of-8.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply