Pinay binoga ng asawa sa California

MATINDING selos ang nag-udyok sa isang 54-anyos na lalaki para barilin ang 25-anyos na asawang Pinay graduating student pati na ang kanyang kaklaseng lalaki noong Martes, Mayo 10, sa California.

Inaasahan na ang pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng mga awtoridad ng California upang maiparating sa mga kaanak ni Marcory “Cindy” Caliguiran ang sinapit nito sa kamay mismo ng kanyang asawa na si Napoleon Avarias Caliguiran, 54.

Namatay din sa insidente ang kaklase at kaibigan ni Cindy na si Thomas Kyle Williams, isang Caucasian, na sinasabing pinagseselosan ng suspek.

Naganap ang insidente sa parking lot ng San Jose State University sa California habang nasa loob ng nakaparadang kotse ang dalawang biktima.

Nauna rito, namataan ng suspek ang mga biktima na naglalakad patungo sa nakaparadang kotse. Hindi namalayan ng mga ito ang papalapit na suspek na may dalang baril at kaagad silang pinaulanan ng bala.

Dahil sa dami ng tinamong tama ng bala, mabilis na binawian ng buhay ang mga biktima sa loob mismo ng kotse.

Ayon sa pamunuan ng eskwelahan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may trahedyang naganap sa kanilang paaralan.

Napag-alaman na magtatapos na sana ngayong buwan sa kolehiyo ang dalawa sa kursong accountancy.

Matapos ang pamamaril, bahagyang lumayo ang suspek at nagbaril naman sa sarili na kanyang ikinamatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon sa tagapagsalita ng SJSU campus na si Pat Lopes Harris, nakausap na nila ang malapit na pamilya ni Cindy kaya’t nakumpirma nilang ito ay tubong Pilipinas.

Inaalam pa ng pulisya sa California kung ano ang motibo ng pamamaril ng suspek. Sa ngayon ay kanila ring inaalam kung may relasyon ang dalawa na labis na ipinagseselos ng suspek.

Batay sa rekord, kailanman ay hindi pa nasangkot sa anumang kaguluhan ang suspek

“We don’t know a lot, and we may never know a lot of the series of events that led up to what happened in our garage on Tuesday night. But we do know that we’re dealing with a little bit of domestic violence,” ayon kay Harris.

Labis namang ikinagulat ng iba pang estudyante ang insidente subalit tiniyak nila na walang kinalaman dito ang eskwelahan na kanilang pinapasukan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply