Pinay drug mule inihinto muna ng WADS

ITINIGIL muna ng West African Drug Syndicate (WADS) ang pagre-recruit ng Filipina para gawing “drug mules”nang paigtingin ang crack down laban sa mga drug couriers sa Asia.

Ito ang paniniwala ng National Bureau of Investigation (NBI) Reaction, Arrest and Interdiction Divission (RAID) chief Atty. Ross Jonathan Galicia.

Ayon kay Galicia, posible umanong lumipat sa ibang panig ng mundo ang WADS sa pagre-recruit ng mga drug courier matapos nitong kumpirmahin ang pag-aresto sa isang babaing Polish national na ginamit na courier ng WADS.

“Seems like they had temporarily stopped hiring Filipinos and drug mules in Asia after successful operations against WADS in the region. The arrest of the Polish woman was something new for us,” ayon kay Galicia.

Kinilala ni Galicia ang naaresto na si Barbara Ziontowska, kamakailan sa isinagawang entrapment operation sa isang hotel sa Ermita.

Si  Ziontowska ay naaresto sa isinagawang follow-up operation ng NBI, matapos maaresto ang isa pang drug mule ula sa Indonesia na nakilalang si Media Aprideri.

Si Aprider ay naaresto noong Mayo 19 nang masinghot ng K-9 units ang dala niyang iligal na droga sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino INternational Airport (NAIA).

Nakakumpiska ang NBI at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Apridera ng may 3.26 kilo ng mataas na uri ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na may street value na P17 milyon.

Ipinaliwanag ni Galicia na kakatagpuin umano ni Apridera si Ziontowska sa bansa kung hindi siya naaresto ng NBI at PDEA.

Ginagamit ngayon ng WADS ang Pilipinas bilang drug transit point.

“Kung hindi nahuli si Aprideri at Ziontowska, nadala na yung suitcase at drugs at contents nito sa Malaysia.  May naghihintay sa kanya dun sa Kuala Lumpur na isa pa,” ayon kay Galicia.

Samantala, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 article II ng Republic Act 9165 na kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply