Pinay sluggers bigo sa China

HINDI nakatulong kina Nesthy Petecio at Alice Kate Aparri ang parehong panahon sa Pilipinas sa pagdayo sa Haikou, China dahil kapwa sila yumuko sa mga karibal sa 1st Asian Cup Women’s Boxing Tournament.

Kahit pa tirik ang araw sa labas ng air-conditioned Haikou Gymnasium, tila kulimlim naman ang laro ni 19-year old Petecio dahil sa 0-2 setback sa first round ng torneo.

Ang karibal na 21-anyos na si Shekerbekova Zhaina ng Kazakhstan ay mas gumamit ng malinaw na gameplan sa kanilang laban kaya naiwasan nito ang malalakas na suntok ng Davao native maging sa second round, 4-2.

Pagsapit ng third round, muling nangibabaw ang Kazakh campaigner, 7-4.

Bahagyang nakasilip ng magandang pagkakataon si Petecio sa final round nang makakunekta ng malilinis na suntok sa kalaban pero hindi na niya kayang habulin ang lamang sa iskor ng Asian champion at tuluyang mabigo sa two-day tournament.

Sa huli, nakuha ng Kazakh ang 10-7 panalo.

Masaklap rin ang inabot ni Barbados-World Women’s Boxing Championships bronze medalist Aparri sa evening session dahil pisak siya sa maagal nang karibal na si four-time World Chmapionships winner Mary Kom ng India.

Kumpiyansang umakyat sa ibabaw ng ring si Aparri dahil nakipasabayan pa ito sa opening round laban sa Indian policewoman pero nakuha pa rin ng huli ang 3-1 iskor sa unang round.

Napanatili pa nito ang kanyang opensa kaya hinatak ang 5-3 iskor sa second, pinarusahan pa si Aparri ng Indian mother sa kambal gamit ang mababagsik na right uppercut kaya umangat sa 9-5 ang iskor sa third.

Inilabas nang Baguio bet na si Aparri ang natitirang lakas sa final round pero tanging makadikit lamang sa iskor ang nagawa nito at nanalo pa rin ang Indian foe, 11-8.

Noong isang taon sa Barbados, mas matinding bugbog ang sinapit ni Aparri kay Kom, 1-8.

“This is their first exposure in the year, and the luck of the draw had them against the top seeds right away. The fact that our girls gave them a tough time gives us lessons on what to work on in the coming months,” ika ni ABAP Executive Director Ed Picson.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply