Ping may ‘pasabog’ sa Senado

ISANG pagbubulgar na inihahanda si Sen. Panfilo Lacson laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Lacson ngayon, Lunes, na matapos ang isang-taong pagtatago ay babalik siya sa Senado na may “pasabog”  tungkol sa korapsyong nagaganap sa kasalukuyang administrasyon.

Aniya, marami na siyang natatanggap na impormasyon na ang mga detalye ay masusi niya ngayong hinihimay-himay.

“May mga information pero hazy, very sketchy ang mga reports, subject to verification,” diin ni Lacson.

Iginiit ni lacson na umaalingasaw na ang Bureau of Customs subali’t itinanggi nito kung sinu-sino ang mga sangkot sa ukay-ukay at rice smuggling.

“Ang ukay-ukay, ang malalaki, smuggling ng bigas. Ang malakihan talaga nagra-run sa hundreds of millions of pesos in revenue,” ayon kay lacson.

Gayunpamanm inamin ni lacson na nasa lower at middle level pa lamang ang nakukuha niyang impormasyon at ebidensiya at wala pang indikasyon na umakyat sa higher level.

“Wala pang evidence o info na nag-i-indicate na sa higher level.kung mero ay dapat tignan din. Di natin alam hanggang saang level umaabot ang corruption right now we’re looking corruption in BOC,” diin ni Lacson.

Iginiit pa nitong sa sandaling may sapat na siyang ebidensiya o dokumentong pinanghahawakan na didiin sa mga taong sangkot sa smuggling ay ibubunyag na agad niya ito.

“Kung sufficient na ‘yung ebidensya at dokumentong panghahawakan (ay ibubulgar ko na). Mahirap kasi na puro info na ‘di backed up ng evidence. Para tayong nagbalitang kutsero,” ani Lacson.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply