Pinoy wanted sa ‘pagnanakaw’ sa Malaysia

PINAGHAHANAP ngayon ng Malaysian authorities ang isang Filipino na umano’y suspek sa pagnanakaw ng alahas sa isang jewelry store sa Inanam area sa Kota Kinabalu at namaril sa isang driver makaraang tumangging tumulong sa kanyang pagtakas.

Ayon sa Malaysia’s Star newspaper, sinabi ni Kota Kinabalu police chief Assistant Commissioner Ahmad Sofi Zakaria, pinaniniwalaang isang nagngangalang “Kadar,” 30, ang salarin na nasa state capital pa rin hanggang ngayon.

Nabatid din na kritikal ang driver na nagtamo ng sugat.

Ayon pa sa inisiyal na report, naganap ang insidente bandang 8:50 a.m. ng Sabado, Abril 30 sa goldsmith’s shop sa Inanam.

Namataang naglalakad umano si Kadar sa jewelry shop at nagtanong ng presyo ng necklace sa isa sa mga display.

Naghinala na umano ang shop owner sa kahina-hinalang ikinikilos ni Kadar.

Nabatid na inispreyan ng shop owner ng pepper spray ang mukha ng suspek.

Humiyaw sa sakit si Kadar, at tumakas tangay umano ang ilang piraso ng alahas.

Inutusan niya ang driver ng van na patakbuhin ang kanyang sasakyan ngunit tumanggi ito kung kaya hinugot umano ni Kadar ang isang pistol at binaril sa tiyan ang driver.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply