Pinoy na nahatulan ng kamatayan sa China, ligtas sa bitay

MAY pag-asang makauwing buhay sa bansa ang isang Pinoy na hinatulan ng kamatayan sa kasong drug trafficking sa Tsina dahil sa ipinakitang magandang asal mula nang mabilanggo noong 2008.

Nakatakda na sanang bitayin noong isang taon si Richard Bianan, tubong Cotabato, subalit dahil sa magandang asal na kanyang ipinakita habang nasa loob ng Pu Tian City Men’s Prison Administration Foreign Group Unit, nasa lalawigan ng Fujian ay ipinagpaliban ng dalawang taon ng Higher People’s Court ng People’s Republic of China ang hatol ng korte sa kanya.

Ayon sa impormasyong nakalap ni Cotabato Congresswoman Nancy Catamco, kongresistang tumutulong kay Bianan, ibinaba na ng hukuman sa 15-taong pagkabilanggo ang hatol sa dating overseas worker dahil sa kabutihang ipinakikita habang nasa kulungan.

Labis naman ang kasiyahan ni Bianan pati na ang iba pang Pinoy sa Tsina nang makarating sa kanyang kaalaman ang tulong na ibinibigay sa kanya ng kongresista at Department of Foreign Affairs (DFA).

Nitong Mayo 12, nakatanggap ng liham si Cong. Catambo mula kay Bianan kalakip ang mga dokumentong mula sa korte.

Batay sa rekord, dinakip ng awtoridad noong 2008 si Bianan matapos makumpiskahan ng 91 kapsula na naglalaman ng heroin na may kabuuang timbang na 1,009.3 gramo at hatulan ng kamatayan.

Sa liham naman na ipinadala ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos Jr. kay Cong. Catamco, nabatid na ipinagpaliban ng dalawang taon ang parusang kamatayan kay Bianan.

Ayon pa sa kalihim, malaki ang posibilidad na maibaba sa 15-taong pagkabilanggo ang naunang hatol ng korte sa OFW.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply