Pinoy pinalilikas sa Daraa, Latakia at Homs

HABANG patuloy na nagangap ang kaguluhan sa bansang Syria, inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang madaling pagpapalikas sa mga Filipino na nasa Daraa Latakia at Homs sa bansang Syria.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, inatasan na niya ang Philippine Embassy sa Damascus na alamin ang kalagayan ng may 110 Pinoy sa Daraa, 2,400 sa Latakia at 1,600 na nasa Homs.

Nitong nakaraang Biyernes, dinalaw ni Del Rosario ang Syria at nasaksihan ang kilos-protesta sa naturang bansa na nauwi sa karahasan lalo na sa Daraa, Latakia at Homs.

Kaugnay nito, nangako naman si Syrian Foreign Minister Walid Al Muallem kay Del Rosario na ginagawa ng pamahalaang Syrian ang lahat ng paraan para maibalik ang political security sa kanilang bansa.

Pinasalamantan ni Del Rosario ang pamahalaang Syrian sa pagbibigay proteksiyon sa 17,000 na naiipit sa kanilang bansa.

Nabatid na patuloy ang tensyon sa ilang lugar sa Syria bunsod ng mga demonstrasyon kung saan noong Biyernes ay 62 ang panibagong nasawi dahil sa kaguluhan, ayon sa mga Pinoy sa Syria.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply