Pinoy seaman patay sa pirata

PINANINIWALAANG nanlaban ang isang Filipinong seaman kung kayat napatay ito ng mga pirata na umatake sa kanilang barko sa isang daungan sa Cotonou, pinakamalaking siyudad sa Benin, West Africa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang biktima ay nakilalang si Christopher Cortez Ceprado, isa sa 15 Pinoy crew ng chemical tanker na MT Sea King, ay natagpuang patay apat na araw matapos ang pag-atake ng mga pirata.

Kinumpirma rin ng manning agency ang pagmakatay ng biktima.

Dinala na umano ang bangkay ni Ceprado sa isang mortuary sa Cotonou para sa awtopsiya.

Nakikipag-ugnayan naman ang Office of the Undersaecretary for Migrant Workers Affairs sa manning agency hinggil sa pagpapabalik ng labi ni Ceprado at iba pang benepisyo na nararapat sa biktima.

Inatasan na rin ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Abuja na makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Benin para sa imbestgasyon.

Samantala, wala namang ibang Pinoy na nadamay sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply