‘Pinoy Superman Gomez’ runner-up sa China World 9-Ball

NATALO si Roberto “Pinoy Superman” Gomez ng Philippines sa kanyang finals match kontra kay Chang Jung-lin ng Chinese-Taipei, 11-10, Linggo ng gabi para magkasya sa second place sa 2011 World 9-Ball Beijing Open Championship na ginanap sa Yuetan Stadium sa Beijing, China.

Pero dahil na rin sa impressive performance ni Gomez sa 2011 World 9-Ball Beijing Open Championship, irerekomenda ni BSCP chairman Florentino “Yen” Makabenta sa BSCP board of directors na makakuha si Gomez ng spot sa 2011 WPA World Ten Ball Championships sa Mayo 10 sa World Trade Center sa Pasay City.

“Irerekomenda ko sa BSCP board na mapasama sa main draw ng World Ten Ball si (Roberto) Gomez,” sabi ni Makabenta sa writer na ito kahapon sa Raya Sports office sa Makati City.

Bago makapasok sa finals, tinalo ni Gomez sina Fu Jianbo ng China (11-7), Antonio “Nickoy” Lining ng Philippines (11-5), Wu Jiaqing  (11-9) at Fu Che Wei ng China (11-9) habang namayani naman si Chang kina Mark Gray ng Great Britain (11-6), Dan Jin Hu  (11-9) at Zhao Feng Ban ng China (11-5) at Nick Van den Berg ng Netherlands (11-9).

Ang iba pang Filipino na lumahok ay sina former World 9-ball champions Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Ronato “Volcano” Alcano.

Sa distaff side, nakaungos si Yu Ram Cha ng Korea kay Chou Chien-yu ng Chinese-Taipei, 9-6, tungo sa womens title.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply