Pinoys sa Yemen gusto nang magbalik-Pinas

NAGPAHAYAG na ng kagustuhang makauwi sa bansa ang mga Filipino sa bansang Yemen makaraang itaas ang alert level sa naturang bansa dahil sa kaguluhan.

Batay sa ulat ni Philippine Charge d’Affaires Ezzedin Tago, mayroong tinatayang 56 na Filipino ang nagpahayag ng pagnanais na makalikas sa nagkakagulong bansa.

Ayon pa kay Tago, patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino community leaders upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

Sa kasalukuyan umano ay nanatili namang ligtas ang lahat ng mga Pinoy sa rehiyon.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakahanda na ang gagawing paglikas sa mahigit 1,000 mga kababayan na naka-base sa Yemen, sa harap ng umiigting na tensyon sa nabanggit na bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply