Pitong taon bubunuin ng papalit kay Merci

ISANG buong termino na tatagal ng pitong taon ang bubunuin ng magiging kapalit ng nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez, ayon sa desisyon ng Judicial and Bar Council (JBC) matapos nitong magpulong kahapon, Lunes.

Sa panayam kay Justice Secretary Leila de Lima,miyembro ng JBC, siya mismo ang nagbigay ng ganoong opinyon sa JBC at wala namang kumontra dahil iyon naman ang nakasaad sa Section 8 ng Ombudsman Act.

Hinihintay na lamang ng JBC ang pahayag ng Malakanyang na nagsasaad na opisyal nang bakante ang posisyon ng Ombudsman.

Kapag nangyari ito, awtomatikong bukas na ang pagtanggap ng mga aplikante sa nasabing position.

Tatagal aniya ng sampung araw na bukas ang pagtanggap ng mga aplikante bilang Ombudsman.

Samantala, kailangan pang pag-usapan ng JBC kung kailan sisimulan ang seven-year term ng isang Ombudsman.

Pinagdedebatehan pa kung ito ay magsisimula oras na matalaga ito sa posisyon o o sa petsang nabakante ang posisyon.

Ito umano ang isa sa mga pag-uusapan at pagdedesisyunan sa muling pagpupulong ng JBC sa Mayo 23, 2011. 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply