Plea bargain ni Garcia aprub sa Sandiganbayan

INAPRUBAHAN na ng Sandiganbayan 2nd Division ang plea bargain agreement na pinasok ng Ombudsman kay dating military comptroller at retired M/Gen. Carlos Garcia.

Base sa resolusyon ng Sandiganbayan, nasunod ni Garcia ang lahat na kondisyon sa plea bargain.

Dahil dito, ibinasura na ng Sandiganbayan ang motion of intervention na inihain ng Office of the Solicitor General upang harangin ang plea bargain deal.

Tumanggi namang mag-inhibit si Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval sa usapin dahil sa kawalan aniya ng merito.

Sa naaprubahang deal, ibabalik ni Garcia ang P150 million na kaniyang nakamkam sa pamahalaan kapalit ng paghain ng guilty plea at ibaba na lamang sa direct bribery ang kaniyang kasong plunder.

Matatandaang  ang  plea bargain agreement ang sanhi ng imbestigasyon ng Kamara at Senado laban sa Ombudsman na humantong  sa  kamuntikan  ng  pagsalang  sa  impeachment  proceeding laban kay Ombudsman  Merciditas  Gutierrez  sa  Senado  kung hindi  pa  ito nagbitiw. Beth Aragon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply