PNoy babagsak ‘pag namali sa iuupong Ombudsman

NAGBABALA si Senate President Juan Ponce Enrile na babagsak ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III kapag nagkamali ito sa pagpili ng bagong Ombudsman.

Sa panayam bago dumalo sa isang pagdinig, sinabi ni Enrile na dapat mag-ingat nang todo si Pangulong Aquino sa pagpili ng bagong Ombudsman batay sa integridad, kakayahan at katapangan na harapin ang pinakapusod ng problema ng bansa, ang korapsiyon.

“Well,  my prayer for the government  to get  the best available material for the office of the Ombudsman. And this is going to be a difficult process you cannot just put somebody there who is not tested because precisely you removed the Ombudsman on the claim that she sat on many cases and that her rate of success in the handling of cases was not good enough so you have to show that your expectation and standard of efficiency and success is much higher,” aniya.

Ayon kay Enrile, walang ibang patutungahan ang administrasyon kundi bumagsak kung magiging inutil din ang ipapalit kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na nagbitiw nitong nakaraang linggo.

Ibinasura naman ni Enrile ang pananaw ng ilang sektor na magagamit lamang ng susunod na Ombudsman ang naiwang termino ni Gutierrez dahil walang pariralang nakasaad sa Saligang Batas na nagsasabing kapag nagbitiw ang kasalukuyang Ombudsman, ang nalalabing yugto ng panunungkulan na lamang ang puwedeng pagsilbihan ng magiging kapalit.

Ayon kay Enrile, pagsisilbihan ng susunod na Ombudsman ang pitong taong full term alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

“The appointee should serve full-term of seven years. Wala yung phrase nay un na yong successor should serve only for the unexpired term. It would be very silly to appoint somebody only up to 2012,” paliwanag ni Enrile.

Sa kuwalipikasyon, sinabi ni Enrile na dapat may katalinuhan at kahusayan ang susunod na Ombudsman na tulad nina  Oliver Wendell Holmes, Felix Gardocco, isang tulad ni Daniel Webster, kabilang si  Hamurabi, at iba pang mahuhusay na mambabatas.

Hindi rin umano dadaan sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) tulad nang ilang itinatalaga ni Pangulong Aquino dahil nasa ilalim ng Judicial Bar Council ang proseso ng kumpirmasyon nito.

“Legal  scholarship alone is not enough. He must have not only the mind, the integrity, the energy, but above all the moral and physical courage to enforce the laws against corruption. Because  he’s going to deal with a very major problem of the country,” giit niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply