PNoy, Chinese official pag-uusapan ang Spratlys

TATALAKAYIN sa Lunes, Mayo 23, nina  nina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at Chinese Defense Minister Liang Guanglie ang mga isyung may kinalaman sa defense, security at Spratly Islands.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang na si Liang ay makikipagkita sa Pangulong Aquino sa Malakanyang ng dakong alas-3:00 ng hapon.

“They will discuss defense and security-related issues,” ayon kay Carandang.

Matatandaang unang nakipagkita si Liang kay Defense Secretary Voltaire Gazmin noong nakaraang Sabado sa gitna ng napabalitang pagpasok ng dalawang Chinese fighter jets sa aerial territory ng Pilipinas.

Si Liang ay inimbitahan ni Gazmin para magsagawa ng goodwill visit sa Pilipinas.

“The visit is expected to further advance China-Philippines friendly relations, specifically military exchanges and pragmatic cooperation, thus enriching and enhancing the strategic and cooperative relationship between our two countries,”  ang nakasaad sa bahagi ng opisyal na kalatas ng Chinese embassy.

Ang Pilipinas ang ikatlong bansa na binisita ni Liang sa kanyang pag-iikot sa Southeast Asia. Unang pinuntahan ni Liang ang mga bansang Singapore at Indonesia. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply