PNoy hindi exempted sa smoking ban

HINDI exempted si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kaya nga, upang iwas-huli ng MMDA ay kailangang sa loob lamang ng Malakanyang maninigarIlyo ang Pangulong Aquino.

Tiniyak din ni deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na ipinagbabawal sa lahat ang ordinansa at sa isang partikular na RA ng pamahalaan na manigarilyo sa mga pampublikong lugar.

“I don’t think, anybody is exempted from the anti-smoking campaign,” ani Valte.

Subalit, nilinaw nito na batay sa batas ay hindi naman lahat ng lugar ay bawal manigarilyo ang isang indibiduwal.

“Meron pong in-enumerate kung ano po iyong mga public places. So, it’s actually a misreading if you say that porke pampublikong lugar eh bawal na po. Meron pong naka-enumerate, in enumerate po ng batas iyong mga kinu-consider na pampublikong lugar,” paglilinaw nito.

Kaugnay nito, aminado si Valte na hindi sila “aware” sa “World No Tobacco Day” ngayong araw (Mayo 31).

Ang nasabing programa na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) ay naglalayong isulong ang pagbabawal sa paninigarilyo ng 24 oras o kung hindi mapigilan ay dapat mag-yosi sa tagong lugar.

Dagdag pa ni Valte, wala silang napag-uusapan na programa kaugnay sa World No Tobacco Day.

Hindi rin matiyak ni Valte kung pangungunahan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at mga government official ang nasabing programa ng WHO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply