PNoy kinalma ang mga negosyante

PINAKALMA ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang mga nag-aalborotong negosyante kaugnay sa hirit na  umento sa sahod ng mga manggagawa.

Sa isinagawang Closing Ceremonies ng 32nd National Conference of Employers (NCE) sa Marriott Hotel, Pasay City ay sinabi ng Chief Executive na sa bandang huli naman ay pakikinabangan ng mga negosyante ang anumang magiging desisyon ng wage board.

“Don’t look at this as a threat. In a few years, our population will undoubtedly grow. Can you imagine if that growth in population were coupled with an enhanced purchasing power? Can you imagine if more Filipinos have jobs that could afford them more than just their basic needs? An economy like that would be a boon to your businesses. The balancing act that we are currently undertaking was envisioned to create that kind of virtuous cycle,” ayon kay Pangulong Aquino.

Aniya, mas makabubuting magdaos ng isang dayalogo at doon pag-usapan ang anumang pagkakaiba ng posisyon at upang maiwasan ang mga premature na batikusan.

Nauna rito, ipinaalala naman ng Punong Ehekutibo ang pagsusumikap ng pamahalaan para mapaganda ang business environment sa bansa.

Hindi umano kaila na mula nang maupo sila sa puwesto, tumaas pa ang kumpiyansa ng mga negosyante na maglagak ng puhunan sa bansa.

“Let us revive the virtue of dialogue, of sitting down and ironing out our differences without resorting to stifling our productivity with what can be reduced to needless and directionless bickering. If we keep tempers from flaring prematurely, and if we can approach every problem while keeping in mind that we are fighting the same battle for a better Philippines, then we will be stronger for it, especially in the context of an increasingly globalized and competitive world,” sabi pa ng Pangulo. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply