PNoy kumpiyansa sa ARMM polls postponement

KUMPIYANSA si Pangulong Benigno Aquino III na maipapasa sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakdang isagawa sa Agosto, ayon kay Sen. Teofisto Guingona III.

Sa panayam, sinabi ni Guingona na ipinatawag ni Pangulong Aquino ang lahat ng miyembro ng Liberal Party sa Senado upang talakayin sa isang pananghalian, ang panukala saka nagpahayag ng pagtitiwala ang Pangulo na maipapasa ang pagpapaliban sa ARMM polls.

“We talked about pushing through with the postponement of the ARMM elections. Sa tingin namin may oras pa naman, we still have so many days,” ayon kay Guingona.

Kasama ni Guingona sa naturang pulong sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Francis Pangilinan at Sen. Ralph Recto.

“We discussed the matter and we feel that we will try to push through as far as we can on the postponement of the ARMM,” aniya.

Sinabi pa ni Guingona na kahit hindi inihabilin ni Pangulong Aquino na kumbinsihin ang ibang senador na bomoto pabor sa panukala, susubukan nilang hikayatin ang ilang upang tuluyan nang maipasa ang pagpapaliban.

“We don’t think it’s too late and we will try (to convince others),”  aniya.

Aniya, hindi nagpakita ng pagka-dismaya si Pangulong Aquino sa pananaw ng ilang senador na kakapusin sa panahon ang pagsasabatas ng panukala, bagkus nagpahayag ito ng kumpiyansang maisasabatas ito.

“Not at all (desperate) he looked confident,” giit niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply