PNoy magiging best man sa kasal ni Miriam

CAUGHT unaware ang Malakanyang kung tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang maging best man sa muling pagpapakasal ni Sen. Miriam Defensor-Santiago at sa asawa nito ng 40 taon na si Narciso Santiago, Jr. sa darating na Hunyo 19 sa Manila Cathedral.

Sinabi ni Deputy Presidejtial spokesperson Atty. Abigail Valte na wala siyang ideya kung nag-usap na sina Pangulong Aquino at ang senadora hinggil sa bagay na ito.

“Hindi ko lang po alam kung nakapag-usap na sila. Nagulat lang din ako ‘nung nakita ko ‘yan balita na yan,” pahayag ni Valte.

Tatayo namang bridesmaid ang aktres na si Heart Evangelista.

Sa kabila ng maraming hindi pagkakaunawaan sa iba’t-ibang usapin ay pinili pa rin ni Santiago si Pangulong Aquino na maging best man nila sa muling pagpapakasal nilang mag-asawa. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply