PNoy mangunguna sa ehersisyo

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ehersisyo partikular sa adult population upang hindi tamaan ng cardiovascular disease, cancer at diabetes na nagiging dahilan ng kamatayan.

Nilinaw ni Health Secretary Enrique Ona na dapat lamang na magkaroon ng oras para sa regular na ehersisyo ang lahat kahit bata o matanda .

Ilulunsad din sa araw ng Linggo, Mayo 15, dakong alas 5:30 hanggang alas 10:00 ng umaga sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) ang fitness event na pangungunahan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ito ay may temang “Ehersisyo Pangkalusugan Para sa Lahat 2011.”

Dakong 6:00 ng umaga ang assembly time sa harap ng Sandiganbayan ng mga participants sa 8km biking. Ang mga kalahok sa 3km jogging/walking sa QCMC ay magtitipun-tipon sa U.P.Diliman Sunken Garden habang ang 2km jogging/walking naman ay magsisimula ng 5:30 ng umaga sa North Avenue-Trinoma (Open Parking Area).

Inaasahan na makikisali ang mga empleyado mula sa government offices, local government units, non-government organizations, government at private hospitals, medical professionals, schools at pribadong indibidwal.

Nakalinya rin ang aerobics sa bata, volleyball, badminton, at Tai Chi.

May itatayo ding booths na mamimigay ng information materials hinggil sa nasabing programa ng DOH.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kawalan at kakulanganng physical activity ay factor sa pagbagsak ng kalusugan lalo na sa mga adult na nagtatrabaho.

Batay sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa isinagawang National Nutrition and Health Surveys noong 2003 hanggang 2008, halos nasa adult population ang nakikitang may low level ng physical activity sa kanilang trabaho, paglilibang at sa transportasyon.

Sa halip na maglakad-lakad ay sumasakay pa o gumagamit ng mga elevator, escalator at iba pang convenient facilities dahil ayaw magpagod.

“Physical inactivity is a risk factor for cardiovascular disease, cancer and diabetes,” ani Ona.

Batay sa naitala ng WHO noong 2008, nasa 35 milyon ang namamatay kada taon sa non-communicable diseases. Anim na porsiyento nito ay cardiovascular diseases, diabetes mellitus, chronic respiratory diseases, at cancers.

Ang mga sakit na ito ang pangunahing sanhi ng kamatayan taun-taon sa Pilipinas.

Maiiwasan umano ito sa pamamagitan lamang ng pag-iwas sa risk factors na kinabibilangan ng physical inactivity, unhealthy diet, at harmful use of alcohol o pag-inom ng alak.

“As a response to this growing challenge, The DOH is implementing an integrated approach to reduce mortality, morbidity and disability from NCDs through promotion of healthy lifestyle with focus on addressing the common risk factors leading to these diseases,” ani Ona. Ampie B. Galpo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply