PNoy nakiisa sa panalo ni Manny Pacquiao

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbubunyi at pagbati sa isa na namang panalo ng Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao at pag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas.

Sa kalatas ng Pangulong Aquino, tinukoy nito na bukod sa lakas at tapang, ibinandera ni Pacman sa kanyang laban kay Sugar Shane Mosley ang disiplina, determinasyon at tunay na galing ng mga Pilipino.

Aniya, lalo pang pinatingkad ni Pacman ang mga nasabing katangian ng mga Pilipino sa kanyang pagsusuot ng dilaw na boxing gloves bilang sagisag ng pakikiisa sa kampanya kontra kahirapan.

Tunay umanong bayani si Pacquiao na patuloy na naghahatid ng papuri at nagbibigay inspirasyon sa sambayanang Pilipino.

“Kasama ko ang sambayanang Pilipino na taos-pusong bumabati kay Manny Pacquiao sa kanyang panibagong tagumpay laban kay “Sugar” Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sa kanyang pagdepensa sa WBO world welterweight belt, hindi lamang ang likas na tatag, lakas at tapang ng mga Pinoy ang muling ibinandila ng Pambansang kamao sa buong mundo. Bagkus, ipinamalas din niya ang disiplina, determinasyon at tunay na galing ng mga Pilipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply