PNoy umapela para sa maayos na debate

UMAPELA si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa mga makikiisa sa debate sa Reproductive Health bill na maging matalino at sibil sa pagpapaliwanag ng kani-kanilang posisyon sa usapin.

Aniya, sa mga ganitong debate at dapat talagang makisali ang taongbayan.

Subalit, iginiit ng Pangulo na may iba na gustong mang-away lamang at ilihis ang tunay na usapin.

Magugunitang maraming pro- at anti-RH Bill ang mainit na nagkakasagutan at humantong pa sa personalan ang mga debate.

Sa kabilang dako, pursigido ang Pangulo na itulak ang responsible parenthood.

Dapat umanong mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mag-asawa at makapili ng family planning method na naangkop sa kanilang kalagayan, konsensya at paniniwala.

Tungkulin umano ito ng gobyerno dahil sila ang naghahanap ng paraan at takbuhan din ng mga mahihirap kung walang maipakain sa kanilang pamilya. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply