PNP handa kung matuloy ang ARMM elections

BINIGYAN ng kasiguruhan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda sila sakaling matuloy ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Agosto 8.

Sinabi ni Director Felicisimo Khu, pinuno ng Directorate of Integrated Police Operations (DIPO)-West kung sakaling matuloy ang halalan sa Agosto, madali lang umano ang paghahanda dahil gagamitin nila ang kanilang security template sa mga halalan noong nagdaang taon para
ipatupad sa ARMM elections.

Wala umano silang nakikitang problema dahil subok na ang kanilang plano na naging matagumpay sa May 2010 elections at sa barangay elections noong Oktubre.

Aniya, sinisiguro ng security plan ng PNP kasama ang iba’t ibang sektor at ahensiya ang isang tapat, matiwasay at mapayapang halalan.

Sa kabila nito, mababawasan naman umano ang pagkakataong mabantayang mabuti ng Commission on Election (Comelec) ang eleksyon ng ARMM kung isasabay ng gobyernong Aquino ang eleksyon sa taong 2013.

Ayon kay dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel, nangangailangan ng mahigpit na atensyon ang eleksyon sa ARMM dahil notado na ito na maraming private armed groups.

Kung isasabay aniya ang naturang eleksyon sa 2013 ay mahahati ang atensyon ng mga sakop ng Comelec, kasundaluhan, kapulisan at ng media na magbabantay laban sa maling sistema ng botohan sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply