Pokwang sobrang tikom ang bibig

BUTI na lang at hindi nagsalita ng bad words si Pokwang nang hindi siya napasama sa “Happy Yepee Yehey.”  Sa halip sinabi niyang hindi ito kawalan sa kanya dahil marami naman daw siyang shows na pinagkakaabalahan.

Si Pokwang ay bagong host na ng nasabing programa simula sa Sabado, Mayo 7.

Malaking tulong din ang pagkakasama ni Pokwang bilang bagong co-host  kasi at least kumpleto na raw ang show dahil meron nang magpapatawa.  Ano ‘kala ninyo kay Pokwang, clown?

oOo

‘Jejemon King’ Blanktape ayaw paawat

AYAW ring paawat ng oldest comedy bar in the country na Music Box ni Daddy Wowee coz may pa-show rin sila sa May 15 Sunday na pangungunahan ng Jejemon King na si Blanktape with the one and only as in nag-iisang title-holder bilang Shirley Bassey of the Phil. na si Willy Jones kasama pa sina Jay-Ar Rosales, Myra Andaya, PJ Gonzales, Mimi Shimada, Zyruz Imperial, Kristille Atinen, Michael Gutana, Dianne, Jona Lumbera, Darizel Zapeco, Nozomi Moriwake, Tom Paris,  Alfie “Melon”Moreno, Bimbo Martin with the special participation of the Tango Queen Vangie Labalan and her official dance instructor Starsky Dulalas.

Ang producer nito ay ang actor-singer na si Jay-Ar Rosales na miyembro ng Balintataw Film & Theater Arts ng UNESCO –Phil. Centre for International Theater Institute.

Si Blanktape pala ay pahiram lang ng pamosong manager na si Lito De Guzman as in pro-Bono lang dahil alam niyang ang concert na ito ni Blanktape ay fundraising para sa mga na-eject na mga kabataan dala ng road widening project ng gobyerno sa Old Balara, Tandang Sora, Q.C. represented by the President ng Unang Hakbang Tungo Sa Bagong Milenyo na si Ms. Hariet Caindoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply