Pokwang takot sa utang

SA AMING palagay, mahihirapang humanap ng isang lalaking makakasama ng habambuhay ang ating komedyanang si Pokwang. Ngayon pang multi-million worth na ang Happy,Yipee,Yehey! host? Sa true. andami pa nitong naipundar, like ang 5-storey mansion sa Antipolo, plus may nabili itong lupa sa Camaya, Bataan na balak nitong pagtayuan ng resort o kanilang bahay-bakasyunan.

Two years ago pa niya ito nabili, ibig sabihin, kahit noon pa man ay walang inaksaya o itinapong pera ang komedyana, never itong na-adik sa casino, at lalong hindi ito nagbabayad ng lalaki para lamang sa personal na kaligayahan.

Heto pa, may apat na kotse pa rin si Pokwang at bukod pa ‘yung parang mini bus na milyon din ang halagang ibinigay sa kanya ni Kris Aquino.

On going pa rin at kumikita pa rin naman ang “parlor” ni Pokwang  at hindi pa rin dito nagtatapos ang kaniyang inaasam na magandang kinabukasan sakaling mag-retire na siya.

“Pangarap ko pa ring magkapagpundar ng sariling negosyo. Gusto kong magkaroon ng 10-door apartment na pauupahan ko rin balang-araw,” ani Pokie.

And very proud naman si Pokwang sa pagsasabing, hindi raw siya nangungutang. Lahat daw ng properties niya ay binili niya in cold cash. “Yun daw kasi ang payo sa kanya ni Manay Ethel Ramos. Huwag mangutang kung meron lang ipambibili dahil sobra-sobra nga naman ang pataw na interes sa mga pautang.

“Kaya ako pag may gusto akong bilhin, mag-ipon muna ako at saka ko bibilhin. Ayokong mangutang, kasi any moment mailit ng bangko. Masakit yun di ba? balik tanong pa niya sa amin.

Maaga pa man, masasabing it’s Pokie’s story of success na dapat tularan ng mga katulad niyang sikat sa ngayon.

***

NASA Guam ngayon si Melissa Ricks, ayon kay Jake Cuenca. Hindi binanggit ng aktor kung ang GF ay naroroon  para sa isang bakasyon o may show.

Ang intindi namin sa interbyu ng The Buzz kay Jake, wala na sila ni Melissa.

Hinamon kasi siya ni Toni Gonzaga, ang host na natokang kumausap sa kaniya at tipong sinabi ng huli sa aktor na mag-I love you din kay Melissa, dahil nauna na nitong sinabihan ng I Love You ang mga kasamahan sa blockbuster movie hit na “In The Name Of Love.”

Hindi masabi ni Jake ang  three meaningful words for Melissa.  Just reading between-the-lines,  and action speaks louder than words, ipinagkanulo si Jake ng kaniyang kilos sa mga oras na yon.

Kung mahal pa niya si Melissa, ano ba naman yong  I Love You, sa GF at di na kailangan pang pakiusapan?

By this moment, si Jake kaya ang bumibigkas ng “Nasaan Ka Elisa?,”  halaw sa seryeng tampok ang GF na hinahanapan pa rin daw ng time slot dahil napakaselan ng tema at hindi puwdeng pang-PG. (Nasa  Pinas na kapatid at mukhang okay na naman sila ni Jake- Ed).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply