Police visibility, anti-crime operation sa school opening

MAGPAPATUPAD ng police visibility at anti-crime operation ang Manila Police District (MPD) partikular na sa university belt sa pagsisimula ng pasukan sa Hunyo 6.

Ito ang tiniyak ni MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla sa ginanap na people’s day ni Manila Mayor Alfredo Lim nitong Biyernes, Mayo 27.

Ayon kay Rongavilla, inatasan na niya ang lahat ng station commander ng 11 police stations sa Maynila na makipag-coordinate sa mga barangay captain para mabigyan ng poteksiyon ang mga estudyante laban sa masasamang elemento.

Sinabi rin ni Rongavilla na maglalagay ng police assistance desk ang MPD sa university belt area para sa anumang reklamo ng mga estudyante.

“Bago pa man magpasukan, magsasagawa na ng anti-crime operation para maaresto na iyong mga pinaghihinalaang snatcher, holdaper na nakatambay sa mga university belt area,” ayon kay Rongavilla.

Makikipagtulungan din ang Manila Traffic Bureau sa Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa Maynila.

Babantayan din ang lugar ng Divisoria para sa mga late shoppers ng mga school supplies. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply