Political summit hiling ni Zubiri kay PNoy

HINIMOK ni Senador Juan Miguel Zubiri si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na magpatawag ng political summit kung saan iimbitahan ang mga kasapi ng iba’t ibang partido pulitikal.

Ayon kay Zubiri, ngayong umaaray na ang Pangulong Aquino sa mga kritisismo at bumabagsak ang grado nito sa mga survey, makatutulong na makinig ito sa constructive criticisms at mga suhestiyon ng mga kritiko na mula sa ibang partido.

Giit niya, makikita ng Pangulo ang kabuuang problema ng bansa kung ito’y magpapatulong sa halip na laging ang mga kapartido lang ang pinapansin nito. Ani ni Zubiri,  si PNoy ay Presidente ng Republika at hindi lamang ng mga naka-kulay dilaw.

Mababago umano ang impresyon na limitado lamang ang mga pinakikinggan ng Pangulo kung mag-iimbita ito ng mga lider mula sa iba’t ibang partido sa naturang summit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply