Politicians nanguna sa ‘Black Book’ ni Bigcas

IBINULGAR ng itinuturing na hot car smuggler na si Allan Lynard Bigcas ang ilang pulitiko na nakabili ng mga ipinuslit na sasakyan at iba pang kagamitan mula sa ibayong dagat.

Batay sa pagdinig ng House sub-committee on Customs and Tariffs sa Kamara de Representantes, kabilang si Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas na nakalista sa black book ni Bigcas na naglalaman ng mga pangalan ng nakinabang sa hot cars.

Ilan pa sa mga pangalang lumutang ay sina Sultan Naga Mayor Motalib Dimaporo at Zamboanga Gov. Rommel “BUllet” Jalosjos.

Unang napaulat na may ilang kongresista pa na nakinabang sa mga palusot na sasakyan subalit walang isa mang kongresista na nakapaloob sa black book.

Nangako naman ang ng mga kinatawan ng Land Transportation Office, Bureau Of Customs at National Bureau of Investigation na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa records ng mga nabanggit na sasakyan.

Samantala, posibleng ma-contempt sa Kamara ang negosyanteng si Allan Lynard Bigcas kung mabibigo itong maipaliwanag kung saan nagmula ang kaniyang mga mamahaling sasakyan.

Kabilang sa kailangang ipaliwanag nito ay ang mamahaling big bike na dating pag-aari ng Hollywood writer na si Skip Woods.

Sa pagdinig kasi ng House sub-committee on customs and tariffs, hindi masagot ni Bigcas ang mga katanungan na ibinabato ni Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas  kaya iginiit nito ang kanyang kalayaan o right to privacy upang maiwasan ang iba pang mga pagtatanong ng mga mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply