Pondo sa Pnoy Games kinangkong

NABUNYAG na mahigit 3, 000 athletes lamang ang kalahok sa ginaganap na Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission (POC-PSC) National Games 2011 o PNOY Games sa Bacolod City.

Ayon sa mga sources, aabot sa P30-million ang pondong nakalaan para sa Pnoy Games ngunit dahil sa hindi naabot ang target na dami ng mga atleta ay sinasabing kakangkungin lamang ng mga sports officials ang natitirang budget.

Magkasalungat din umano ang pahayag ng mga sports officials hinggil sa budget at ang palaro ay nagiging source na umano ng katiwalian.

Dalawang PSC officials naman ang nagpahayag na mahigit P26-million lamang umano ang budget sa national games habang ang sinasabi naman ni PSC chairman Richie Garcia ay P30-million ang nakalaan para rito.

Hindi umano alam ng mga atletang kalahok sa 36 na sports events—sa iba’t ibang venue sa Bacolod City at sa mga lungsod ng Bago, Silay at Talisay sa lalawigan ng Negros Occidental—na ginagawa silang tanga at gago ng mga sports officials na nakikinabang sa budget ng Pnoy Games.

Subalit ginagawa lamang umano ito para pagkakitaan at makapagluwal ng malaking budget na paghahati-hatian ng mga gahamang sports officials.

Nagtataka rin ang mga national sports associations (NSAs) kung bakit ipinagmamayabang umano ng PSC at POC na maraming lalahok sa games kahit na kakaunti lamang.

“Gusto lang nilang palabasin ng mga sports officials na may ginaganap talaga na games para kumita sila. Kahit na kaunti ang tao, palalabasin nilang ganyan ang ginastos nila at doon ay maghahati-hati na sila,” ayon sa isang source.

“Nagulat nga kami na sinasabing mahigit 5, 000 ang kasali pero more than 3, 000 lang naman. Ito ay para makuha nila ang pondo at kumita ang mga gahamang opisyal.”

Sinasabi naman na kasama sa palaro ang mga miyembro ng national team na lalaban sa mga bigating team mula sa ibang sports associations sa bansa.

Subalit nabatid na idinadahilan lamang umano ng mga opisyal na ang PSC-POC games ay bilang paghahanda sa gaganaping South East Asian Games sa buwan ng Nobyembre sa Indonesia.

Dapat din umanong ipaliwanag sa publiko nina Bacolod City Mayor Evelio R. Leonardia, Talisay City Mayor Eric Saratan, Silay City Mayor Jose Montelibano at Bago City Mayor Ramon Torres Jr. kung magkano talaga ang budget ng lokal na pamahalaan dito.

Ayon sa sources, ang budget umano ng local government dito ay aabot sa P10-million na itinanggi naman ni Leonardia at sinabing P1.5 lamang ang nailapat nila rito.

Ang Philippine National Games 2011 ay opisyal nang nagbukas nitong Linggo ngunit nananatili pa rin tanong kung napupunta ba talaga sa dapat puntahan ang pondong nakalap ng sports commission.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply