Potensiyal ng bamboo engineering

SA EDAD na 37, may magandang dahilan si Randy D. Fancubila na paniwalaan na siya ay nasa tamang karera. Sa loob ng 20 taon sa pagiging furniture maker, si Fancubila ay kinilala na Magsasaka Siyentista (MS) para sa bamboo at engineered bamboo technology sa Dumalag Farmers Information and Technology Services (FITS) Center.

Siya ay ginawaran bilang MS noong 2010 ng Western Visayas Agriculture and Resources Research and Development Consortium (WESVARRDEC).

Si Fancubila ay presidente din ng Dumalag Bamboocraft Producers Cooperative, isang asosasyon ng 28 bamboocraft producers.

Trainings

Sa pamamagitan ng ayuda ng WESVARRDEC, lumahok si MS Fancubilla sa iba’t-ibang study tours at trainings kaugnay sa bamboo at bamboo technology sa Region 6 maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Ang nasabing exposures ay naging inspirasyon ng seryosong bamboo enthusiast na matutunan ang mga sekreto at teknik ng paggawa ng engineered bamboo.

“Gin-try kong obrahon on my own initiative. Ti, ok man! (Sinubukan kong gawin ito ng sa sarili ko lamang at umubra naman),” pahayag ni Fancubila.

Sa isang workshops na dinaluhan ni Fancubila, natapos niya ang isang sample ng dining table mula sa engineered bamboo slats. Idinisplay niya ito at kasama ang iba pang mga produkto sa second bimonthly meeting ng FITS centers sa Capiz.

Dahil inspirado sa kaniyang mga nagawa at natapos at alam din niya na marami pa siyang magagawa,  nais ni Fancubila na magkaroon ng sariling bamboo-processing machine para sa paggawa ng engineered bamboo slats o planks.

Gawa mula sa engineered bamboo ang dining table ni MS Fancubila. Aniya, mas gusto niya na pursigihin ang bamboo engineering para sa ilang kadahilanan.

Batid ng MS na ang paggamit ng kawayan ay nakasusuporta sa pagpapatatag sa larangan ng agrikultura. Sa bawat puno ng kawayan na kaniyang napuputol ay nakapagpo-produce ng 3 hangang 6 na bamboo shoots. Alam din niya na sa pamamagitan ng pagpo-produced ng  engineered bamboo slats, nakapagdaragdag siya sa kahalagahan ng commodity at ang raw material ay maaaring mas maganda kesa sa kahoy.

Ang Dumalag ay nagsisilbing dropping point ng mga bamboocraft at mga produkto ng kooperatiba.

Hope and Challenges

Sa ngayon 20 taon nang furniture maker si MS Fancubila. Para sa kaniya, panahon na para ang kanilang bamboo cooperative ay magkaroon ng tig-iisang unit ng surfacer, thickness planer, at jointer planer. Ang lahat ng ito ay napakahalaga sa pagpo-produce at pag-fabricate ng dekalidad na engineered bamboo products.

Itinuturing ni Fancubila na isang hamon ang kakulangan ng mga kagamitan. Gayunpaman, umaasa siya na ang panukalang Science and Technology-based Farm (STBF) sa kawayan ay magiging benepisyo ng kaniyang kooperatiba. Kasalukuyang ini-evaluate ng  Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD) ang proyekto.

Nakatakdang ipatupad ang STFB ni Fancubila anumang araw ngayong taong 2011.

Bagama’t laging abala ang mga kamay ng MS sa pagpo-produce engineered bamboo slats and bamboo furnitures, umaasa pa rin siya na marami pang magandang mga pangyayari ang darating.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply