‘Poverty-free’ Philippines, puwedeng matamo sa 2024

A POVERTY-FREE Philippines.

ITO ang mahigpit na paniniwala ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa sandaling maisabatas ang nagsisilbing blueprint sa ilalim ng panukalang Filipino Volunteerism in National Building (VNB) Act of  2010 para sa pagiging poverty-free Philippines hanggang sa taong 2024 .

Ang naturang panukala ay pinangungunahan mismo ni Speaker Belmonte na umani na ng suporta mula sa hanay ng mga mambabatas.

Sinabi ni Belmonte na kahit hindi ganung kadali ang tatahaking landas patungo sa pag-unlad at maiwaksi ang kahirapan sa bansa ay magagawa kung sama-sama ang lahat ng Pilipino bilang nation builder na siyang isinasaad sa House Bill 4374.

Ayon kay Belmonte, nakasaad din sa HB 4374 na ang pagbibigay suporta ng pribadong sektor sa gobyerno ay magiging malaking tulong upang mapanumablik ang tiwala ng mga mamamayan sa institusyon ng gobyerno.

“This can be done through collaboration and cooperation, for the private sector to go beyond partisan politics, religious and ideological differences and business rivalries,” ani Belmonte.

Nakatakda na nitong Mayo 11, dalawang araw  makalipas  ang  dalawang  araw  na  muling pagbabalik ng  sesyon sa  Kongreso  ang pagtalakay sa nasabing panukala sa Committee on People’s Participation sa pamumuno ni Rep. (Dr.) Benjamin Asilo  bilang kauna-unahang public hearing nito.

Naniniwala ang Speaker na ang muling pagsasagawa ng kusang pagtulong na gaya ng nakagawian ng Pinoy na bayanihan ay matutupad ang mithiing malutasan ang kahirapan sa bansa.

Patunay nito ang tagumpay ng Gawad Kalinga (GK) na isang kakaibang hakbang ng pagbabago na tinatawag na “Social Engineering” dahil sa ispirito ng bayanihan ng mga Pilipino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply