Power struggle sa Iran tumitindi

LALONG umiinit ang power struggle sa Iran makaraang batikusin ng mismong mentor ni Iranian President Mahmoud Ahmadinejad na si Ayatollah Mohammad Taqi Mesbah Yazdi ang kanilang presidente dahil sa pagiging arogante nito.

Ayon kay Yazdi ang mga ikinikilos umano ni Ahmadinejad ay “illogical and Cheap” dahil sa ginagawa nito ay hinihikayat niyang ang kanyang mga kaibigan maging kalaban.

“That a human being would behave in a way that angers his closest friends and allies and turns them into opponents is not logical for any politician,” ani Yazdi.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay sinipa sa puwesto ng presidente ang Iranian Intelligence Minister ng hindi kinukonsulta ang kaning Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei. Labag umano ito sa kanilang konstitusyon at agarang ibinalik sa puwesto ang intelligence minister ng Supreme Leader.

Ayon sa mga political analysts ang ginawa ni Khamenei ay sampal kay Presidente Ahmadinejad na matatapos ang termino sa taong 2013.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply