Power trip sa NAIA immigration inireklamo

INUTIL ba ang pamunuan ni MIAA GM Angel Honrado sa kanyang mga abusadong tauhan?

Una nang maituturing na tarantado sa airport ay ang mga security guard ng PASCCOR na masahol pa sa pulis kung manita ng mga pasahero.

Personal nating naranasan ang kalupitan ng PASSCOR nung tayo ay mag-tungo sa Estados Unidos via Philippine Airlines.

Dahil lang sa isang bubble gum ay ayaw na tayong pasakayin sa eroplano. Nagtulong-tulong pa ang mga gagong guwardiya at staff ng PAL nang tayo ay walanghiyain.

Buti na lang at tumawag si Fred Tan kaya natahimik ang mga ulol. Pinagwalang bahala natin ang pangyayari pero nang muli tayong umalis patungong Beijing sa Terminal 1 noong Holy Week ay isa na namang PASSCOR ang nambastos sa atin!

Naka-ID tayo ng airport kung kayat sinita tayo nitong si SG Dictado at sinabing hindi raw tayo maaaring dumaan sa gate ng mga pasahero ang sagot ko ay “pasahero ako” sabay pakita ng passport at tiket. Pabalang na sumagot si Dictado na “Eh di tanggalin mo ID mo!”

Ganito ba dapat kabastos sa mga pasahero ang mga guwardiya ng PASSCOR?

Tsk! Tsk! Tsk! GM Honrado  huwag naman po kayo magpatay malisya sa mga nangyayaring ito kahiya hiya na po ang ating airport.

oOo

Personal na inireklamo ni Cristina Decena si Immigration Officer Noel Mabutas kay Commissioner Ricardo David Jr. makaraang bastusin ito sa airport Terminal 2. Sapilitan daw na sinasabi ni IO Mabutas na hindi anak ni Decena ang menor de edad na kanyang kasama papuntang Hong Kong kung kayat napikon si Decena.

Nauna raw dito ay pinagtripan na ni Mabutas ang asawa ni Decena na si Ariel Villasanta ng Ariel & Maverick Duo ng ABC 5. Ang ginawa raw ni Mabutas ay pinaharap pa sa kaliwa at kanan ang pasahero na para bang may duda sa pagkatao nito.

Nagpakilala naman si Ariel at sinabing siya ang artista ng ABC 5. “Hindi ako nanonood ng TV!” aroganteng sagot ni Mabutas.

Dito na raw nag-umpisa ang mainit na sitwasyon dahil nang si Decena naman ang sumunod sa pila na kasama ang mga anak nito ay yung bata naman daw ang pinagtripan ni Mabutas.

Base sa imbestigasyon ng ULTIMATUM, naging magalang naman daw si Mabutas sa ginawa n’yang pagtatanong pero nagkataon lang daw na mukhang mainit ang ulo ni Decena kaya nagkagulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply