Prayer rally kontra RH bill itinakda

NAGDEKLARA ang simbahang Katoliko ng “National Day of Prayer” laban sa Reproductive Health bill kasabay ng muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara.

Kasabay nito ay hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat ng mga mananampalatayang Katoliko na manalangin para maliwanagan ang mga kongresista at senador hinggil sa masamang epekto ng RH bill sa kalusugan at maging sa moralidad ng mga Pilipino.

Sa Cotabato Archdiocese, sinabi ni Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na hinihiling nila sa mga Katoliko at maging sa mga mananampalataya ng ibang relihiyon na manalangin para tuluyang mabasura ang naturang kontrobersyal na panukala.

Sa May 23 ay magkakaroon naman ng malakng pagtitipon ang mga Katoliko s Archdiocese of Cotabato laban pa rin sa RH Bill.

Sinabi ni Bagaforo na magtitipon ang mga delegado mula sa Cotabato City at Midsayap sa Esperanza, Sultan Kudarat ganap na 11:00 ng umaga.

Magkakaroon ang mga ito ng motorcade patungong Notre Dame of Tacurong College kung saan gaganapin naman ang isang malaking prayer rally dakong 1:00 ng hapon.

Ayon kay Bagaforo, tutol ang simbahan sa RH bill dahil sa pagsusulong nito ng paggamit ng artificial family planning method at sa aborsyon na pawang maituturing na “anti-life.” Benjie Caballero

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply