Preliminary investigation kay Espinosa inusog sa Mayo 31

INUSOG sa Mayo 31, ang preliminary investigation sa bus driver na nakapatay sa journalist na si Chit Estella-Simbulan na orihinal na itinakda sa Mayo 27.

Ang imbestigasyon ay ipe-preside ni Quezon City Prosecutor Ronald Torrijos.

Dumating ang Universal Guiding Star Bus driver na si Daniel Espinosa sa Maynila kagabi matapos magtago ng halos isang linggo sa Davao City makaraan ang insidente.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ni Espinosa ang Philippine Airlines Flight PR822 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 mula  Davao pasadao alas  11:45 kagabi.

Agad dinala si Espinosa sa Camp Karingal sa Quezon City para makipagkita kina Quezon City District Director Superintendent George Regis, Metropolitan Manila Chairman Francis Tolentino at Prosecutor Irene Resurrecion.

Sinalubong din ng legal counsel ni Espinosa na si  Atty. Jose Panelo ang kanyang kliyente .

Ang abugado ng Universal Guiding Star Bus Lines ay si Atty. Roy Versoza.

Sanhi ng kanyang boluntaryong pagsuko, inilagay si Espinosa sa police protection at maaaring umalis o lumabas ng naturang kampo kung kanyang nanaisin.

Si Espinosa ay kusang sumuko kay Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte dakong 10:30 ng Huwebes ng gabi.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply