Premyo sa 6/55 Grand Lotto, di pa rin nasusungkit

HINDI pa rin nasusungkit ang may P221,558,353.20 nang premyo sa 6/55 Grand Lotto makaraan ang online raffle kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tanging mga minor prizes lamang ang napanalunan ng mga lotto bettors.

Nabatid na lumabas ang kombinasyong: 35-19-51-12-25-09.

Samantala, inaasahan naming lolobo na hanggang P230 milyon ang papremyo sa naturang laro.

Ang Grand Lotto ay inilalabas ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply