6/55 Grand Lotto prize inaasahang papalo sa P1B

MALAKI ang posibilidad na umabot sa record breaking na P1 bilyon ang premyo ng 6/55 Grand Lotto na hanggang ngayon ay wala pa ring nakasusungkit.

Nabatid kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, hindi malayong malagpasan ang P741 million na napanalunan noong nakaraang taon ng isang balikbayan na taga-Olongapo.

Sa ginanap na lotto draw kagabi, walang nakakuha ng jackpot prize na P336, 127, 435.20 at ang six digit number combination ay binubuo ng 32-44-23-13-49 at 06.

Inaasahang bukas ay papalo ang jackpot sa mahigit P350 million.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply