Premyo sa Grand Lotto lumolobo

INAASAHANG lalong lalaki ang magiging jackpot prize sa susunod na draw ng PCSO Grand Lotto 6/55 dahil sa walang nakakuha sa masuwerteng numero na lumabas kagabi, Mayo 11.

Lumabas ang lucky number combination 16-18-07-06-35-24 na may papremyong umabot ng P207,202,302.00.

Kasabay sa naturang Grand Lotto draw ay ang Mega Lotto 6/45 kung saang may jackpot prize na P37,570,719.60 na nabigo ring masungkit.

Inaasahang lalong hahaba ang pila sa mga Lotto outlets sa mga susunod na araw.

Matatandaang umabot ng higit P700 million ang pinakamalaking naging jackpot prize ng Grand Lotto at napanalunan ng isang balikbayan na taga-Olongapo City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply