Presong may TB gagamutin ng BJMP

SINIMULAN ngayon Lunes, Mayo 9, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagsusuri at paggagamot sa mga presong may sakit sa tuberculosis (TB) na nakapiit sa buong Metro Manila.

Layunin ng pamunuan ng BJMP na maprotektahan at bigyan ng lunas ang mga bilanggong nagdaranas ng hirap sa loob ng kanilang piitan dahil sa sakit.

Ayon kay BJMP-National Capital Region Director Superintendent Benito Dorigo, nabatid sa kanilang record na ang TB ang ikalawang dahilan ng pagkamatay ng mga preso sa Pilipinas bukod sa cardio-respiratory arrest.

Nitong 2010, 24 na inmates ang iniulat na namatay dahil sa TB sa buong National Capital Region (NCR) habang mula naman noong Enero hanggang ngayon, sampung bilanggo ang dumaranas ng naturang sakit.

Batay sa ulat medisina, ang tuberculosis o TB ay isang uri ng impeksiyon dahil sa pag-atake ng isang bakterya na tinatawag na “tubercle bacilli.” Ito ay nakaaapekto sa baga pero maaari ring tumama sa buto, bituka at bato.

Sinabi ni Dorigo, ang bureau health worker ay sinanay sa pagsusuri sa direct sputum smear microscopy (DSSM) examination sa mga taong kinakikitaan ng sintomas ng TB. Dapat umanong bantayan ang mga inmates at siguruhin ang pagbibigay-lunas hanggang gumaling ang mga ito.

“Before, we only refer suspected TB patients to health clinics and hospitals, but now, the jail itself can be a treatment site because of the training of our health workers on DSSM,” ani Dorigo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply