Press photog inagawan ng motorsiklo

ISANG press photographer ang inagawan ng motorsiklo ng apat na hindi pa kilalang lalaki sakay ng dalawang motorsiklo malapit sa presinto ng pulis sa Caloocan City Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Tribiana, 31, photographer ng Philippine Mabuhay News at residente ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktima, dakong 9:45 ay binabaybay niya ang kahabaan ng A. Mabini St., ng nasabing lungsod dala ang kanyang asul na Honda CBR 150 (4745-PI).

Nang lumagpas siya sa C-3 malapit sa Police Community Precinct 7 ay hinarang siya ng mga salarin sakay ng dalawang Yamaha Mio na hindi na nakuha ang pangalan.

Tinutukan ng baril ang biktima bago pinababa sa motorsiklo at kinuha ang wallet at camera na nasa bag.

Isa sa mga suspek ang sumakay sa motorsiklo ng biktima bago nagsitakas.

Agad inireport ni Tribiana ang insidente sa kalapit na presinto. Nagsasagawa na umano ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply