Presyo ng langis bahagyang tinapyasan

NAGTAPYAS ng bahagya sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis matapos bumaba ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell at Chevron ang pagpapatupad ng magkakaparehong rollback na P1.75 kada litro ng diesel, P2 sa kerosene, P1.25 sa regular gasoline at P0.50 sentimos sa premium gasoline na epektibo alas-12:01 ng hatinggabi.

Kaagad itong sinundan ng Petron Corporation sa kaparehas ding halaga na ipinatupad ng alas-12 ng tanghali, kasabay ng Unioil Corporation, Seaoil at Total

Ayon kay Raffy Ledesma, Strategic Communications Manager ng Petron, sinusundan lamang nila ang paggalaw pababa ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan kaya’t nararapat lamang na tumabasan din nila ang pagbaba sa lokal na merkado.

Nauna nang inihayag ng Department of Energy noong nakaraang linggo na nakikita nila ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa gumaganda ng sitwasyon sa bansang Japan at positibong epekto ng pagkakapaslang sa lider ng terorista na si Osama bin Laden.

Kumpiyansa naman ang mga dambuhalang kompanya ng langis na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng halaga ng langis sa world market lalo na kung magiging maayos na ang sitwasyon ng mga bansa sa Gitnang Silangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply