Presyo ng langis bumaba

NAGPATUPAD ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis ng panibagong roll back makaraang bumaba ang presyo ng produktong gasolina sa pandaigdigang pamilihan.

Ang Petron, Shell at Chevron ay nagbaba ng tig P0.50 sentimo sa presyo ng kanilang diesel at P2.00 naman sa unleaded gasoline alas sais ng umaga ngayong araw, Mayo 21.

Dahil dito, ikinagalak naman ito ng mga may-ari ng mga private cars subalit hindi naman nagustuhan ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan dahil sobra baba ang naging roll back sa presyo ng ginagamit nilang diesel.

Hindi umano ito makatarungan dahil kung magtaas sila ay palaging piso o higit pa ang kanilang ipinapatong sa presyo pero pagpababa ay sobra baba naman.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply