Presyo ng LPG bumaba

INANUNSIYO ni Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) party-list representative, Arnel Ty na nagbaba ng P0.50 sentimo kada kilo ang presyo ng kanilang LPG ngayong ala-sais ng umaga, ika-27 ng Mayo.

Alinsunod umano ito sa patuloy na pagbaba ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. Katumbas ng P6.00 ang ibinaba sa presyo ng bawat tanke ng LPG.

Napag-alaman na tatlong beses nang nag-roll back ang LPGMA ng presyo ng kanilang liquefied petroleum gas ngayong buwan.

Inaasahan pa umano ng grupo na patuloy pa ang pagbaba ng presyo sa world market nang sa gayong ay mas lalo pa nila itong maibigay sa mas mababang presyo sa ating mga kababayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply