Presyo ng Pinoy Tasty sisirit sa Mayo 9

INANUNSYO na ng Philippine Baking Industry Group ang pagsirit sa presyo ng Pinoy Tasty loaf bread ng piso simula Mayo 9 dahil sa pagtataas sa presyo ng harina.

Ayon kay Philippine Baking Industry Group President Walter Co, gustuhin man ay hindi na kaya pang pasanin ng grupo ng local bakers ang patuloy na pagtaas sa presyo ng harina.

Simula  nitong nakaraang linggo, ang presyo ng 25-kilogram na supot ng harina ay pumalo na sa P920, kasabay pa nito ang unti-unting pag-akyat din sa presyo ng mantika.

Bagama’t bumaba ang konsumo ng tinapay dahil summer vacation, kailangan pa rin umano nilang itaas ang presyo nito.

Kaugnay nito, nag-alok naman ng diskwento ang Philippine Association of Flour Millers (Pafmil) sa grupo ng local bakers para sa mas mababang halaga ng harinang gagamitin sa paggawa ng pang-masang tinapay.

Ito ang pinakamurang tinapay sa merkado dahil hindi ito nilalahukan ng gatas o butter.

Gayunpaman, sinabi ni Pafmil executive director Ric Pinca na inaayos pa nila ang sistema upang matiyak na ang ibebenta nilang mas murang harina ay gagamitin lamang sa paggawa ng Pinoy Tasty.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply