Presyo ng produktong petrolyo tatapyasan muli

PANIBAGONG rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang inaasahang matatamasa ng publiko sa mga susunod na araw.

Ayon sa independent oil player na Seaoil, posibleng umabot ang rollback sa kabuuang P3 kada litro.

Base sa pahayag ng naturang oil company, magpapatupad sila ng serye ng rollback anumang araw mula ngayon at inaasahang aabot ang bawas-presyo sa kabuuang P3 kada litro para sa gasolina.

Habang ang magiging tapyas rin ng kanilang diesel ay aabot sa kabuuang P1.50 kada litro.

Kamakailan lamang ay nagpatupad ng price rollback ang oil companies ng kanilang mga produkto.

Ibabawas ang P2 sa kada litro ng premium gasoline, P1.50 naman sa kada litro ng diesel at 30 sentimos naman sa kada litro ng gaas o kerosene.

Sinabi ng pamunuan ng Petron na ang bawas presyo ay bunga ng patuloy na paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply