Presyo ng school supplies steady lang – DTI

IPINAHAYAG ngayon, Huwebes, ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling matatag ang presyo ng school supplies habang nalalapit ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, walang maaaring maganap na pagtaas sa presyo ng school supplies lalo ngayong abala ang mga magulang sa pamimili ng kagamitan para sa pagpasok sa eskwela ng ng kanilang mga anak.

Sinabi pa ni Maglaya, wala pa umano silang natatanggap na opisyal na ulat mula sa manufacturers na magtataas sila ng  presyo ng school supplies.

Nilinaw din ni Maglaya na hindi makalulusot ang dahilan ng mga vendor na nagkakaubusan na ang school supplies dahil ang totoo ay posible pang ibaratilyo ang mga manininda dahil sa sobra-sobrang produktong nagawa.

Pinayuhan naman ni Malaya ang mga magulang na namimili pa rin hanggang ngayon na iayon lang sa budget ang mga bibilhing gamit dahil kung tutuusin ay pare-pareho lang naman ang kalidad nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply