Preventive suspension ikakasa kay Diokno

POSIBLENG ibaba ng Department of Justice ang preventive suspension laban kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Ernesto Diokno kaugnay ng nabulgar na paglabas-pasok sa kulungan ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Ang preventive suspension ay ibababa kapag napatunayang si Diokno mismo ang nagbibigay pahintulot kay Leviste para makalabas ng kanyang kulungan.

Bukod sa DoJ, nais din ng mga senador na sampahan ng kaso si Diokno.

Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III, dapat masampahan ng kasong kriminal at administratibo si Diokno.

Ipinanawagan naman ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagbitiw sa pwesto ni Diokno.

Kasabay nito ay hinimok din ni Estrada ang mga otoridad na imbestigahan ang umano’y pagbibigay ng special treatment sa mga “VIP (very important person) o mayayamang bilanggo sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply