Prison guard arestado sa P2-M shabu sa Kyusi

ARESTADO ang drug dealer na prison guard at kanyang kasama matapos makumpiskahan ng P2  milyon halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang dalawang illegal drug dealer na si Roldan Avillonozo Ramilo, 50, prison guard ng Bureau of Correction at Rochie Ordas Ong, 34, kapwa ng Golden City Subd., Imus Cavite.

Ayon sa ulat, ang dalawang suspek ay sinorpresa ng mga elemento ng PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO) sa isinagawang buy–bust operation dakong 2:00 ng hapon kahapon sa bisinidad  ng Araneta Extension corner Gen. Mc Arthur Ave., Cubao, QC.

Nakumpiska sa dalawang akusado ang 3 knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng 300 gramo ng droga na may street value na  P2 milyon at isang  Maroon Nissan Sentra Super Saloon na may plakang  UAS 442.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply